VERIFY PAYPAL kahit walang card w/ GCASH AMEX [FREE & EASY]

Friday, August 1, 20140 comments

Ano ang GCASH AMEX?

Virtual card ito ni Globe. Kaya virtual, kasi wala kang physical na card na hahawakan. Para syang credit card na ginawa in partnership sa American Express. Makakabili ka ng kung anu ano gamit ito, tulad ng Garena Shells, pero mamaya na yun.

May age limit ba ito?

Yun ang maganda dito. Kahit sino pwedeng mag-apply. Basta may valid ID ka lang, mobile phone, at Globe SIM, pasok ka na.

Magkano naman ibabayad ko?

Ang maganda dito, walang kang babayaran, as in FREE! Kailangan lang ng 46 PHP na balanse sa GCASH AMEX account mo pag nakagawa ka na para maverify yung virtual credit card mo.

Gaano naman katagal?

Kung masipag ka, mga 2-3 days verified kana sa PayPal.

Pano ako mag-aapply?

O eto, tuturuan na kita. Basa ka-symb!

1) Dial mo *143#, tapos punta ka sa GCASH, tapos Register. Tapos ifill up mo na yung natitirang hinihingi

Click image for larger version.   Name: 1.png  Views: 26  Size: 40.7 KB  ID: 892428 Click image for larger version.   Name: 2.png  Views: 19  Size: 43.0 KB  ID: 892427

2) Yan, may GCASH account kana! Pero hindi pa GCASH AMEX yan. Kulang ka pa ng steps. Ngayon punta ka naman sa Globe store o kaya sa Villarica Pawnshop or sa Tambunting-Antracs para magpa-KYC (Know Your Customer). Wala kang gagawin dito kundi magpapakita ka lang, tapos kailangan may dala kang valid ID. Yun lang yung requirements. Tapos nito KYC ka na. Di ka kasi magkaka-GCASH AMEX pag wala ka nitong step na ito

3) Dial mo ulit *143#, tapos punta ka ulit sa GCASH, tapos punta ka sa GCASH American Express Virtual Pay tapos piliin mo Sign Up. Fill up mo lang din yung natitirang detalye.

Click image for larger version.   Name: 3.png  Views: 15  Size: 45.2 KB  ID: 892430 Click image for larger version.   Name: 4.png  Views: 20  Size: 41.3 KB  ID: 892431

4) After mo dito, magkakaroon ka na ng GCASH AMEX! Tignan mo lang yung email address na ginamit mong pangregister para sa virtual card details mo. Kung iOS o Android naman gamit mo, download mo yung GCASH app, libre lang yun. Makikita mo din yung card details mo dun. Or dial mo ulit *143# tapos punta ka sa GCASH American Express Virtual Pay, meron din dun View Details.

5) Ngayon, dito na magsisimula yung verification mo sa PayPal. Login ka na sa PayPal tapos punta ka sa dashboard mo at hanapin mo yung "Get Verified" na link. Click mo yun tapos fill up mo yung hinihinging details. Magchacharge yung PayPal ng refundable verification fee na $2, kaya dapat may balanse yung GCASH AMEX nyo

Important: Dito mo na ilalagay yung name mo exactly kung ano yung niregister mo sa GCASH AMEX. Parehong pareho dapat lahat. Tapos sa card type, American Express piliin mo, tapos yung sa card number, yan yung number nung virtual card mo.

Click image for larger version.   Name: Verify-PayPal-Globe-GCash-American-Express.jpg  Views: 427  Size: 45.1 KB  ID: 892432

Pasok mo rin yung US address na nakuha mo dun sa billing address area ng Add Card sa PayPal:

Click image for larger version.   Name: image_gallery.png  Views: 444  Size: 65.4 KB  ID: 892473

6) Ngayon, since virtual card lang ang GCASH AMEX, kailangan magpadala ka ng email sa Globe kasi sa kanila mo hihingin yung 4-digit verification code mo sa Paypal. Pag nabigay na nila sayo yun, verified ka na!

Punta ka sa email mo tapos gayahin mo to:

Email Address: gcashinquiries@globe.com.ph
Subject: GCash AMEX � Paypal
Body: Sulat nyo dito na irerequest nyo yung 4-digit verification code nyo sa PayPal tapos isama nyo yung mobile number nyo na ginamit nyong pangregister sa GCASH at yung GCASH AMEX account number nyo

7. After mga 2-3 days, ieemail na kayo ng Globe tapos nandun na yung 4-digit PayPal verification code nyo. Pasok nyo na sa PayPal website. 8. Congrats ka-symb! Verified na yung PayPal account mo! Pwede ka nang magbibili ng kung anu ano sa internet!

Click image for larger version.   Name: How-to-verify-PayPal-account-Globe-GCash-AMEX.jpg  Views: 187  Size: 61.3 KB  ID: 892434

'Ayup! May PayPal ka na! O, ang dali lang diba? Pwede mo na gamitin sa ebay yan, pwede na rin sa Garena, dami pa. Reply nalang kayo kung like or kung may mga tanong kayo!
Share this article :

Post a Comment

 
Copyright © 2015. Storyahi - All Rights Reserved